Lagi mo na lang ako dinidisappoint, pero bakit ganun… hindi ko man lang magawang magalit sa’yo. Nakakainis ung ganitong feeling.
January 2011
24 posts
Tulungan niyo naman ako… Ano ba magandang cellphone? hindi na ako updated kung anong latest eh. Wag niyo po i-suggest ang iPhone, hindi un kaya ng budget ko. :)
Balak ko na bumili ng kapalit nung E63, hindi na ko aasang ibabalik pa un nung nakapulot. :|
Tinignan ko sa bag, pero wala.
Kinapa ko ung bulsa ko, pero wala din dun.
Lumapit ako sa boyfriend ko at sinabing nawawala ang cellphone ko.

Sinubukan naming hanapin kung saan posibleng nahulog or naiwan.. pero wala talaga. Ganitong-ganito kami kagabi, thanks to the boyfriend for making me feel better.

Sabi ko nga sa kanya, mas nanghihinayang ako sa laman nun, kesa dun sa mismong cellphone. lahat ng messages niya since September andun. :(
Hindi ako masyadong nakatulog kakaisip dun

kaya kanina, tinawagan ko ung # ko, nag-ring, may sumagot

pinakinggan lang boses ko, sabay drop ng call. Tapos ngayon, “cannot be reached” na.

Ayoko ng umasa. T_T
… Ang nawawala kong celfone. :(
Paalam sa Nokia E63 ko. Ang sakit sa puso na hindi na mababalik un. Sa totoo lang, hindi naman kawalan un ang nakakapanghinayang eh yung mga content ng celfone.
Mga pictures, mga text niya since September, kahit mga gudmorning at gudnyt na messages na hindi ko mabura bura.
Ang hirap pag nawala sayo ung isang bagay na medyo matagal mo ng iniingatan.
:(
Yabang ng bangs. Parang blackberry lang.
Huh? bakit blackberry?
CURVE.
HAHAHAHA.
Sana ikaw din maging blackberry.
At bakit naman?
para BOLD.
WAHAHAH. Bwisit ka. :))
*Random conversation kanina pagkagising. Magkaroon ka ba naman n boyfriend na ganito makipag-usap, ewan ko na lang kung hindi ka laging masaya. haha
I love listening to Mellow 94.7, been a fan of that station for years. The wake up show’s topic earlier was: “Is it ok to be friends with an ex? Or is it ok if your partner is friends with their ex?”
Here’s what I replied to Tracy (one of the dj) on YM:
~ Goodmorning! Here’s my answer for today’s topic: My boyfriend is friends with his ex, and I’m not fine with it. Why? Because they still call each other “bf-gf” and they’re constantly chatting on ym & fb with the “mwahh” and “i miss you” messages..
—
If I were to ask you, “Is it ok to be friends with an ex? Or is it ok if your partner is friends with their ex?”
Get $25 upon signing-up & $10 for every person you refer. Please use my referral link. Thank you!
~Try lang toh. Wala naman masama kung susubukan. ^^,
Wala po akong alam eh, last time na gumawa ako ng ganyan eh 7 years ago! :) Try mo sa google, madami kang makikita dun :)

Recently place I’ve been to: OFFICE. 9.51A CG2 Pioneer, Mandaluyong to be exact. HAHA
Hindi naman ako pala gala kaya wala talaga akong malalagay na picture na pinuntahan ko na medyo interesting. Ang mga pinupuntahan ko lang talaga eh along Metro Manila lang. :))
Ang paulit-ulit na pagtingin sa aking kuko.
May mga times na biglaan ko na lang tinitignan ung kuko ko. Titignan ko kung maayos pa ba ung nail polish, kung malinis ba, kung smooth pa ung mga edges, o kaya minsan trip ko lang siya tignan, tas mag-iisip ako kung ano kayang magandang color na ipapalit sa kanya. :))


Highschool Friends: Rea, Macy, Rose, Me, Alyssa, Jessica, May, Baby Uziel, Grace
More than 8 years of friendship except kay Alyssa na grade 1 pa lang friend ko na. Huli kaming nagkikita-kita na halos kumpleto kami eh May 2010 pa, hindi na nga ako umaasa na makuumpleto pa kami. Usually kasi kapag nagkayayaan umalis. Apat na lang kaming umaalis.

College Friends: Malaine, Jem, Nap, Marfie, Aldrin, Karen, Jourdan, Dave, Me & Jerome
(2006) Kumpleto pa barkada namin. Sobrang solid kami nuon, magkakasama sa lahat ng kalokohan at syempre sa inuman. Pero dumating din sa point na nagkahiwalay-hiwalay kami. May lumipat ng school, may nag-shift ng course at may nag-Seaman. Pag dating ng 2009-2010 eto na lang kami:

Jourdan, Me, Nap & Aldrin

PeopleSoft June21 Hires (PSJ21H) - Yanie, Bong, Rod, Laurence, Carl, PJ, Cris, Alex, Raz, Me & Vincent (the boyfriend)
Hindi lang sila friends ko, well almost all of my start group eh friends ko.. eto lang ung group pic na medyo madami kami. :) Bonding time namin ay inuman. Walang humpay tagay ng red horse. First few months puro kami inom every weekends, pero nung na-deploy na sa mga projects naging hectic na ang mga sched kaya bihira na lang magkita-kita.
Meaning behind OOH-LALALOVE?
Kailangan pa ba sabihin kung ano meaning niyan? HAHA. Eh obvious na obvious naman na halos lahat ng andito ay tungkol sa pag-ibig.