1. Kamusta naman ako?

    Wala naman masyadong nagtatanong sa akin kung kamusta na ba ako. Pero kung tatanungin ko ang sarili ko…. kamusta ka na nga ba?

    Eto… minsan ok, minsan hindi. Minsan nakangiti, minsan bigla na lang iiyak. Yung tipong ngayon masaya naman, pero after ilang saglit… parang gumuho lahat… Naghanap ako ng makakapitan… ng malalapitan.. ng masasandalan sa mga panahong feeling ko bibigay na ko. Hindi naman ako binigo ng mga kaibigan ko, ng mga magulang pati mga kasama sa trabaho… pero isa lang talaga yung best na makakapitan mo sa mga ganitong sitwasyon… ang Diyos.

    Sabi nga, “when you can’t sleep, don’t count sheeps. Close your eyes, talk to the shepherd”. Isang buwan eto ang paulit-ulit kong ginagawa. At ngayon totoong na-feel ko na sobrang blessed ako. 

    1 month kaming hindi naging ok ni boyfriend. Pero ngayon, mukhang ok na din naman ulit… sana? unsure pa ko. :)) At kasabay ng pagiging ok namin ang isang blessing…

    Blessing na ma-promote after 1year and 2 months na pagtatrabaho. Sabi ko nga, hindi man naging maganda yung August ko, sobra sobra naman yung natatanggap ko ngayong September. Sana magtuloy-tuloy na lahat. 

    Maraming maraming salamat talaga Lord. :)

    1. forgetfulkidddo said: Congrats ate’! :)
    2. ooh-lalalove posted this



SponsoredTweets hire me badge Advertise On This Blog